Saturday, September 25, 2010

Vol. 2, Post # 1: The Runaway Groom and the Man with the Luggage

Posted on May 24, 2010.
***
I went home from our cluster’s team building. Sobrang kapagod. Sobrang init pa, to the highest level. Sabi ko nga sa nauna kong FB status post: my head is spinning. Nakakahilo talaga. Dahil sa sobrang antok at pagod at sakit ng ulo, nakatulog agad ako.

***

Pagmulat ko ng mata ko, nasa maganda akong hotel lobby. Nagulat ako sa suot ko. Bridal gown. Ang ganda. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang ganda ganda ko. Napaisip ako, anong meron?
Pagtingin ko sa may hagdan, nakita ko ang nanay ko, papunta sa kinatatayuan ko. She was all made up as well. Lalo akong nagtaka.

“Karen, halika na, nandun na yung mga tao, pati yung mapapangasawa mo...”

HA?!?! What.... Lalo na akong naguluhan. Sino? Hindi ko kilala... Kaya tinanong ko ang mommy ko.
Sabi niya,”Nagkasundo kami ng parents niya. Gusto namin kayo ang magkatuluyan. Papakilala ko siya sa yo pagdating natin don.”

Kamusta naman! Blind wedding? Natawa na lang ako, pero natakot ako. Haller, hindi lang ito date... Kasal na ito! Waaaah! Pwede magback out? Pero wala na akong nagawa... Hinatid nila ako sa bridal car. In fairness... Camry ang kotse. Kanino kaya iyon? Pwedeng arborin?

Papunta na kami sa simbahan. Hindi ko alam kung saan. Parang gusto ko munang mawalan ng malay for a moment. Hindi ko madigest yung mga nangyayari sakin. Nakakaimpatso.

Pagdating namin sa simbahan, sinamahan ako ni mommy sa may garden. May lalaking naghihintay. Lalo akong kinabahan, parang gusto kong mag CR sa sobrang kaba. Pagkakita ko sa lalaki, mmmmm! Gwaping! Why not! Mukha siyang kagalang galang. Pinakilala ako sa kanya ni mommy. “Karen, siya ang mapapangasawa mo. Iwan ko muna kayo para magkakilala pa kayo.” Naisip ko, hello.... sa ganitong sitwasyon pa ha!

Pagkaiwan samin ng nanay ko, nag usap kami. Naguguluhan talaga ako. Paano humantong sa ganito ang lahat? Hindi ko na maalala ang pinag usapan namin. Pero nung huli, magbaback out na daw siya. Ang dahilan? Ang pangit ko daw kasi. 

Ang gulo talaga. Hindi naman ako pangit ah. Yun ang nasabi ko sa sarili ko. Tska hello, di tayo magkakilala noh... Gusto ko siyang sabunutan noon pero bigla nalang siyang naglakad palayo.

Kahit nabigla ako sa mga nangyayari, I was devastated. Nag “runaway groom” ang mapapangasawa ko on our “surprise wedding”!

I went back to the bridal car. I was crying. Bakit naman hanggang sa ganito may rejection moment na naganap? Gusto ko na talaga umuwi at matulog na lang for a while. Or maybe longer than that. 
Nagulat na naman ako, sumakay ang nanay ko sa bridal car. Mukhang aware na siya sa pag walk out ng groom but it looks like she’s not worried. 

“Karen, bumaba na tayo... Nakapasok na sa church lahat ng tao at ang entourage. Ikaw nalang ang kulang. May lumapit sa amin at sabi niya siya nalang ang mag aaya sa yo na magpakasal.”

Kewl. Ganun na lang yun? May proxy? Hehehe. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko nung moment na iyon. Pero sige, go. Bumaba ako kasama ang nanay ko. Nakita ko doon ang lahat ng mga taong naging part ng buhay ko. Slightly, naging masaya ako. But the million dollar question is, “sino ang sumalo sa akin sa panahong ito?”

Naglakad na ako sa aisle, pero instead of walking slowly, binilisan ko ang lakad ko. Ngunit kahit binilisan ko, parang ang layo pa din niya. 

I was surprised pagkalapit ko sa kanya. He was not even in a coat or tie or barong tagalog attire. He’s in casual clothes, at may luggage siyang dala. He’s tall. Pero nakatalikod siya sa akin.

I placed my hand on his shoulder para malaman ko kung sino siya. Nung malapit ko nang makita ang mukha niya...

***

Nagising ako. 

Arrrrrghhh! Yun na eh! Malapit na eh! Pwede bang matulog ulit? Para makita ko lang kung sino siya?
Pero hindi ko na nagawa iyon. I’ll be late for church.

Reactions?

No comments:

Post a Comment

ShareThis

Infolinks In Text Ads