Saturday, September 25, 2010

Vol. 1, Post # 5: Ang Closet at ang mga Damit: Some thoughts about letting go

Posted on September 14, 2009.
***
After several months (or few years) of overtime and weekend/holiday work and travelling to different places, I found the time to clean up my closet.

Operation: Closet Overhaul.

I just noticed that I've got tons of clothes to dispose of. I have to get started.

Halo halo na ang mga damit ko. kasi minsan, dahil sa kawalan ng oras, hinahagis ko na lang sa cabinet ko yung mga kalalaba at kapaplantsang damit. Yung mga nakahanger, sabit na lang ng sabit. di ko na nasesegregate o pinagsasama sama yung pantalon, blouse, jacket, etc. Lagi ko kasing sinasabi, pag may time ako at pag nasa mood ako, aayusin ko din yan. aalisin ko din yung mga ibang damit diyan.

and this is the time for that. 

I pulled out ALL of my clothes. Nilagay ko nang maayos sa kama. hiniwalay ko ang mga sinusuot ko pa, ang mga ayaw ko nang isuot, at yung mga gusto ko pa sanang isuot pero ayaw nang magpasuot dahil hindi na kasya sa akin.

Walang problema sa mga sinusuot ko pa. Kaya maayos kong ibinalik ito sa cabinet ko.

May mga ayaw ko nang isuot talaga dahil sa mga sumusunod na posibleng dahilan:

* Hindi na siya uso;
* Mga binigay sa akin na hindi ko trip ang style;
* Pang-lalaking damit (akala yata lalaki ako eh. nakakalalaki talaga.);
* Sobrang kupas na; at
* Gula-gulanit na (layman's term--sira sira na).

Nilagay ko ito sa malaking plastic bag. Bahala na sila mommy kung anong gagawin sa mga damit na ito. Marahil, yung mga pwede pang pakinabangan, ibibigay sa kawanggawa (e.g., ICare. oha!!!); o gagawing pangpunas ng sahig, bintana, pintuan, lababo, or kahit anong bagay na pwede at dapat punasan at linisin.

At ang huling grupo ng mga damit: Ang mga masisikip na sa akin. Bakit ayaw ko silang itapon o ipamigay? Eto ang mga posibleng dahilan:

* Sayang kasi;
* Nakakapanghinayang itapon;
* Baka pagsisihan ko pag tinapon ko;
* Basta sayang;
* Sayang nga kasi.

In other words, ayaw ko lang. Gusto ko akin lang yun. Kaya binalik ko sa closet ko.

Pero, naalala ko yung teaching ni Ptr. Albert Musngi ng JIL Pampanga. Nagamit din niyang illustration sa teaching niya yung pagooverhaul ng closet. Yung pagtatanggal ng mga damit na di mo na nasusuot at di mo na kailangan. Nandoon ako sa point na may mga ayaw akong itapon o alising damit kasi ayaw ko lang. Pero, ang mga damit na ito na hindi mo na naman napapakinabangan at nagdudulot lang ng waste of space sa closet mo ang dapat talagang alisin na to make room for newer, better, more fitting clothes. Eto yung mga damit na magagamit at mapapakinabangan mo pa talaga. 

Just like sa buhay natin. May mga bagay sa mga buhay natin--tao, event, sitwasyon, nakaraan--na ayaw nating i-let go. Eto ang mga bagay na hindi naman nakakatulong sa atin sa paglago into a better person, or better yet, a better Christian (redundant?). Hindi ko man maisa-isa dito kung ano ang mga posibleng dahilan, eto lang ang sigurado ako: Ang mga bagay na ito ang siyang nagiging hadlang para pagkalooban tayo ng Diyos ng mas maganda at mas bonggang pagpapala na magdudulot sa atin ng kasiyahan, contentment at transformation as a better Christian na nakakapabigay ng kaluwalhatian sa Diyos.

Akalain mo yun! Sa pag aayos lang ng aparador, naisip ko yun. Kewlness. Awesomeness. hehehe.

Teka lang ha.

Aalisin ko lang sa cabinet ko yung mga DAPAT nang alising mga damit to make room for NEWER, BETTER, and MORE BONGGANG clothes. Maaaring wala pa sa ngayon. Someday. :)



No comments:

Post a Comment

ShareThis

Infolinks In Text Ads