Posted on April 2, 2009.
***
Tuesday.
Malalim na ang gabi ngunit nasa ortigas pa din ako. Sa opisina. May nirarush na report para sa Bulacan Beer Audit. Nasa conference room ang mga team leaders ng SMB Audit. Makalipas ang ilang oras, lumabas na sila. May isang lumapit sa akin.
“Karen, team leader na kayo ni Maricor. Kayo ang in charge sa Pampanga audit.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa narinig ko. Parang ayaw ko. Natatakot ako sa mas malaking responsibilidad at mas matinding pagsubok na haharapin ko bilang isang auditor.
Matapos ang tagpong yun, pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, ngunit nawala ako sa focus sa ginagawa ko dahil sa balitang iyon. Kaya umuwi na lang ako.
***
Wednesday.
Bumalik kami ng Bulacan para magdispose ng follow ups ng nag-review ng gawa namin. Kung naging basura lang ang follow ups, ito na siguro ang pinakamahirap idispose, lalo na pag out of this world ang dating, dahil parang imposibleng gawin. Mula umaga, wala kaming ginawa kundi mangalkal ng mga documents na dadalhin kinabukasan sa confirmation (audit procedure ito na kung saan pupunta ka sa mga stores na nagtitinda ng Beer para tanungin ang may ari ng mga gusto mong malaman sa buhay buhay). Inabot kami ng madaling araw dahil dito. Halos maiyak na ko sa pagod at sa gutom, hindi na din kasi kami nakapag hapunan. Inisip ko na lang, tama na lang din yon, para hindi na ako tumaba. Pero ang masaklap, wala na kaming masakyan pabalik ng Manila. Kaya napa-check in kami sa hotel ng di oras. Wala pa akong baong damit. Buti na lang malapit lang si daddy sa pinagsstayan namin kaya nagpadala na lang ako ng damit sa kanya. Nung oras na yon, naisip ko nang mag resign.
***
Thursday.
Medyo tinanghali ako ng gising. Biglang tumawag yung magrereview sa amin. Nandun na daw siya sa opisina, kailangan within 20 minutes nandun na ako kasi magcoconfirm na kami. Ang dating 45 minutes ko na paliligo ay naging 10 minutes sa sobrang pagmamadali. Feeling ko pa nga may bula bula pa ng shampoo sa ulo ko nung papunta na ako sa opisina. Buti na lang wala.
Matapos ang ilang sandali, umalis na din kami. May kasama kaming driver, siya ang nagdrive (malamang) ng sasakyang sinakyan (malamang ulit) namin sa mga pupuntahan naming tindahan. Inabot kami ng alas-tres sa kakabiyahe at kakapunta sa mga outlets. Late lunch na ito. Sa Mang Inasal.
Ang masaya sa Mang Inasal, unlimited rice. Meaning, kahit ubusin mo ang lahat ng sinaing nila, ayos lang. Yun eh kung kaya mo.
Umorder ako ng: Pecho para sa akin, paa para sa reviewer namin, at one piece chicken para sa driver. Yung sa akin at sa reviewer, unlimited rice. Pero yung sa driver, single serve lang.
Matapos umorder, naisip ko na mag trade kami ng rice nung driver. “Kuya, single serve na lang sa kin, sa yo na lang yung unlimited.” Nakita ko sa kanyang mukha na nasiyahan siya sa suggestion ko. Pumayag siya. Umorder pa ng desert yung reviewer, saging son yelo. May champola pa. Cool. Tinira ko agad yung champola.
Habang kumakain kami, inoobserbahan ko yung driver. Parang ang saya saya niyang kumakain. Sa sobrang saya niya, kinuha niya na yata lahat ng sili sa counter at nilagay sa sawsawan niya. Tapos sabay sabi ng, “Bicolano po kasi ako”. Kaya pala. Tapos nagkwento na siya. Ang natandaan kong sinabi niya sa mga kwento niya, yung kapag wala silang idedeliver na beer sa isang araw, wala silang pasok, meaning wala silang bayad. Hirap daw siya dahil nangungupahan lang siya, malayo sa pamilya niya. Hindi kasya ang kinikita niya. Pero ayos lang daw, masaya naman siya sa ginagawa niya. Ang nasabi ko lang: Ahhh. Habang nagkukuwento siya, panay ang hingi niya ng extra rice. Mukhang siya na ang makakaubos ng sinaing ng Mang Inasal.
Matapos kumain, may sinabi siya. “Salamat po mam, first time ko lang po kasi kumain sa restaurant.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. Ako itong may magandang trabaho, maginhawa sa buhay, mahilig magreklamo; samantalang itong lalaking ito, sa simpleng bagay lang para sa akin, nagiging dahilan na ng kasiyahan niya. Kahit kulang ang kinikita niya, natututo pa din siyang makuntento at hindi magreklamo. Parang nahiya tuloy ako sa sarili ko, kahit hindi naman talaga ako mahiyain.
Pagkaubos ko ng saging con yelo, napagpasiyahan ko na hindi na ako magreresign. Bagkus, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para patunayan sa kanila na hindi sila nagkamali na gawin akong Team Leader. Hindi na din ako magrereklamo sa mga nangyayari sa akin sa trabaho. Iisipin ko na lang na lahat ng trabaho, mahirap. Na mahirap din ang walang ginagawa at walang tinatrabaho. Gagawin ko ang lahat ng ito, higit sa lahat, para kay Lord.
Try niyo kumain sa Mang Inasal. Masarap ang chicken nila don.

No comments:
Post a Comment