Saturday, March 14, 2009

Vol. 1, Post # 3: Sa Isang Episode ng Wowowee's Willie of Fortune...

Introduction:

Lunchbreak. Matapos ang first half ng nosebleed na work load sa isang Sales Office ng isang sikat na inuming serbesa, minarapat ko at ng mga kamanggagawa ko na magpunta sa aming bahay kubo sa Bulacan (dito kami inassign mag audit) upang managhalian.

Hitch: Ang inaaudit naming Sales Office ay malapit lang sa bahay namin sa Bulacan. Sa kadahilanang mahirap maghanap ng kakainan sa paligid ng opisina, sa bahay na lang kami kumakain. Sa halagang P60 bawat katao, pinagluluto kami ng pinsan ko ng bonggang bonggang pagkain na aming pinagsasaluhan.

Sa nagdaang tatlong araw, naging kasama namin sa pananghalian ang programang Wowowee. Sa totoo lang, maka Balitanghali ako. Hindi ako nanonood ng Wowowee kasi nawiweirduhan ako sa palabas na yon. Pero ang tibay din nito, kasi madami ding pinagdaanang kontrobersiya ang palabas na ito (I assume alam niyo kung ano ang mga yon). Pero tignan niyo naman, nasa ere pa din ang programa hanggang ngayon!

Pero hindi yan ang gusto kong ikwento dito. Kundi ito...

***

Matapos ang Hep Hep Hooray (naging instant favorite ko ito kasi nakakatuwa ang larong ito. Kailangan ng alertness at presence of mind upang manalo ng gift pack mula sa Biogesic at may chance na manalo ng P50,000!), Willie of Fortune na. Ang featured players: Mga Inang Nanganak nung December. Isa isa na silang tinawag.

Bago maglaro, kinakausap muna ni Willie ang mga kalahok. Pinapakwento niya sa kanila ang latest sa buhay buhay nila. May mga instances na may special participation ang mahal sa buhay ng kalahok (e.g., asawa, nanay, tatay o anak) at maghahatid ng espesiyal na mensahe sa isa't isa (e.g. uli, I love you hon, dito lang me for you, hello lang!). Tapos, ipapakita ang kanilang talent (kadalasan ang mga talent nila ay kumanta o sumayaw o kumanta/sumayaw). Pagkatapos nito, maglalaro na, name that tune ang drama. Pag nahulaan mo ang title ng kanta, kakantahin mo ang kantang yon, at pag tama ka, pasok ka na! Hanggang sa umabot ka sa jackpot round.

Ang isang contestant sa larong ito ang nakakuha ng aking atensiyon. Mukha pa siyang bata. May anak na siya (nanganak nga nung December diba?). Heto ang mga nangyari (rephrased na yung ibang statements pero nandiyan pa din yung ideya ng gusto kong ibahagi sa inyo.):

Babae: Iniwan ako ng asawa ko, hindi ko alam ngayon kung nasan na siya, hindi na siya nagpakita, hindi ko alam ngayon ang gagawin ko, paano na kami ng anak ko... (Habang sinasabi niya ito finofocus sa camera ang cute na cute niyang baby girl)...

Willie: etc, etc, etc (Hindi ko naintindihan yung sinabi niya). Sige maglaro na tayo...

B: May isa pa po akong problema...

W: Andami mo naman problema, sige...

B: Nay, Tay, patawarin niyo ako... *nagbisya siya, di ko na naman naintindihan... sabi ng officemate ko sabi daw niya pag nagkapera siya uuwi na siya sa kanila...*

Matapos ng tagpong ito, isa isa nang naglapitan ang mga nasa audience sa kanya at binigyan siya ng pera... umabot yata ng 10-20 ang nagpunta sa set ng Wowowee at inabutan ang babae ng pera. Ang iba, niyakap siya, hinalikan siya (beso beso lang), at kinamayan siya. Tanda ng pakikiramay at simpatiya sa nagaganap sa buhay niya. Natuwa ako sa napanood ko, nakita ko kasi na likas na talaga sa Pinoy ang nagdadamayan.

W: Anong talent ang ipapakita mo sa amin...

B: Kakanta po...

W: Sige, palakpakan natin si ______ (nakalimutan ko ang pangalan nung babae), kakanta siya, para sa kanyang anak...

*** den, den den, den den, den den den den...****

nung narinig ko yung intro nung kanta, gusto kong tumambling...

B: Nagsimula sa patikim-tikim, pinilit kong gustuhin, bisyo'y nagsimulang lumalim, kaya ngayon ang hirap tanggalin...!

***

Pagkarinig namin sa kanta niya, nagtawanan kaming lahat. Pambihira!!! Kung isa siguro ako sa audience na nagbigay ng pera sa kanya bago siya kumanta, malamang binawian ko siya ng pera, baka ipambili lang niya ng serbesa eh.

Matapos non, hindi na namin inalam ang reaksiyon nila Willie at ng audience matapos niyang kumanta. Umalis na kami at bumalik na kami sa Sales Office ng isang sikat na inuming serbesa na inaaudit namin.

Sunday, March 8, 2009

Vol. 1, Post # 2: Naisip Ko Lang...


Introduction:

Nakaka-miss magpost ng seryosong blog (seryoso meaning yung mukhang blog talaga).

Hindi ko talaga mawari kung anong nangyari sa Friendster Blog/Account ko. Sayang lang, kasi since 2003 ko pa account yon. Yung panahong ganito pa lang ang features niya:

1. Hanggang limang pictures pa lang ang pwede mong mailagay sa profile mo. tapos less than 500KB dapat ang size. Kaya kelangan mo pang pababain ang resolution ng picture na kinunan mo pa naman sa 3MP na digicam (wala pa yatang usong 8MP digicam nung 2003).

2. Hanggang 500 friends pa lang ang pwede mong mailagay sa friendlist mo. Kaya pag umabot na sa 500 ang list mo, kailangan mo nang maglagay sa profile mo ng: "Sorry, this account is already full. kindly add KAREN-TWO. Thanks!--KAREN-ONE-FULL." Sa case ko, umabot ako sa 3 accounts. Pero binura ko din yung dalawa nung nag-improve na ang Friendster.

Ito din ang panahon na:

1. Bawat kaibigan mo tinatanong mo ng ganito: "May Friendster ka? add mo naman ako please."

2. Kinukulit mo ang lahat ng makasalubong/makachat/makatext/makausap mo na bigyan ka ng malupit na testimonial na tipong maiiyak ka at mayayakap mo siya pag nabasa mo.

3. This is applicable if you're in groups. Pag nagkuhaan kayo ng picture, panigurado may karugtong na... "Pang-Friendster!" o kaya naman "i-upload mo tong pic natin sa Friendster ha, pa-grab na lang...".

Habang lumilipas ang panahon, pabongga ng pabongga ang features ng Friendster. Ang dating limang pictures, ngayon 2000 na ang pwedeng ilagay. Virtually unlimited number of friends na din ang pwede mong ilagay sa list mo. Personalized na din ang profile page na kahit mukha ng alaga mong aso pwede mo nang gawing theme ng profile mo. Pero kasabay ng mga features na to, may mga worms, virus at malware na ding naglipana. At napagdiskitahan ang account ko.

Almost a week ko nang hindi ma-open ang account ko. Nag-email na ko sa Friendster support pero super mega tagal magreply. Busy sila siguro. Kaya sa inis ko, kinancel ko na lang yung account ko. Hindi ko nga lang naisip na sayang yung magagandang testimonials na nakalagay sa page ko. Lalo na yung mga lumang nakalagay.

Gumawa ulit ako ng bago ngayon, paki-add na lang. Pero mas visible ako sa Facebook. ;P

*****

Recently, eto ang mga na-realize/naisip ko at mga tinanong ko sa sarili ko (yung iba dito nasagot ko naman).

1. Nakakatamad din palang mag-text. Minsan mas ok pa kung puro tawag na lang.

2. Masayang mag-biyahe talaga. Ang goal ko, malibot ko muna ang buong Pilipinas bago ako mag-travel abroad.

3. Nakakatouch pag may mga taong nakakaalalang kumustahin ka kahit malayo sila sa yo. (e.g., Cesz, Ate Sahlee, Ate Cha. Salamat sa pagtawag at pag-text! :) )

4. Na-miss ko ang family ko! Limang araw ko din sila hindi nakita. Baka kasi kumain sila sa restaurant habang nasa malayong lugar ako eh. Unfair. Mamimiss ko na naman sila kasi aalis na naman ako.

5. Miss ko na din ang mga KKB sa YC. Ang tagal ko na silang hindi nakikita. Lalo na ang KKB CAM (headed by Boss Jade). Miss ko na din sina Ate Cora.

6. Patience is a virtue. Patience is a virrtttttttttttuuuuuuuuuueeeeeeeeee!!!!!!!!

7. Masarap ang pineapple sa Tagaytay.

8. Ramdam ko na ang init ng summer. Wait ka lang Pagudpud, papariyan na kami! (depende pala sa schedule ko. Hmp!)

9. Dalawang bagay lang ang pwede kong pamilian: (a) magpapayat, o (b) bumili ng damit na magkakasya sa akin.

10. Three weeks na lang birthday ko na!

11. Nakakaiyak na nakakainspire ang MMK episode "Transistor". Hindi talaga matitinag ng kahit anong pagsubok ang wagas na pag-ibig.

at ang pinakamagandang kaisipan na naisip ko...

12. God is indeed the God of Wonders. Upon seeing the awesome beauty of nature at Tagaytay, I can't stop praising and thanking God for His goodness and mercy. He continually inspired me to love Him more above all.

*****

Ilalagay ko na lang ulit dito ang mga bagay na maiisip ko pa sa mga darating pang panahon. God bless us all! :)


Saturday, March 7, 2009

I Welcome Myself Here at Blogger! =)

Hello! I moved (again) to my new home. My Friendster blog was already deleted because my account was "hacked". I will post here my blog posts from this point onwards.

God bless us all! :)

Karen

ShareThis

Infolinks In Text Ads